FREQUENTLY ASK QUESTION
Ang Telemedicine ay isang plataporma ng Batanes General Hospital kung saan ang mga pasyente ay maaaring mag-book ng appointment sa kanilang napiling doktor ng BGH at magpa-konsulta gamit ang internet. Ang online na konsultasyon ay magaganap gamit ang seeyoudoc application o website.
Lahat ng pasyente (out-patient) na nagmumula sa kahit anong munisipyo ng Batanes na hindi nangangailangan ng emergency services, check-up o kahit anong follow-up na hindi nangangailangan ng mabilisang pag-tugon.
- Mabilis at hindi paputol-putol na internet connection.
- Smartphone, tablet, o kompyuter (laptop o desktop) na may [nakakabit na] camera (o webcam kung desktop ang gamit)
- Tahimik na silid/paligid
Sundin na lamang ang mga susunod na hakbang…
- I-download ang seyeoudoc application sa iyong cellphone, tablet, o maaari ka rin dumalaw sa www.seeyoudoc.com gamit ang iyong laptop o desktop computer.
- Mag-rehistro bilang pasyente.
- Hanapin ang Batanes General Hospital gamit ang search bar.
- Piliin ang iyong nais na clinic sa mga pagpipilian – Internal Medicine, Surgery, Pedia, o OB-GYNE.
- Piliin ang iyong nais na doktor.
- Mag-book ng appointment ayon sa iskedyul na available ang doktor.
Opo. Lahat ng konsultasyon gamit ang seeyoudoc ay libre at walang bayad.
Lahat ng available na iniresetang gamot at mga ipapagawang laboratory o diagnostic tests ay i-assess ng Malasakit Program Office para sa nararapat na classification.
Kung may babayaran sa mga gamot, maaring bayaran ito via online bank transfer at ipadala ang proof of payment (screen shot) sa facebook messenger na @BGH billing. Para sa mga diagnostic tests, maari itong bayaran sa araw ng inyong schedule ng test sa hospital.
Lahat ng niresetang gamot ay magmumula sa BGH Pharmacy at ibibigay sa Rural Health Unit (RHU) ng inyong munisipyo. Ang inyong RHU ang magpapabatid sa inyo gamit ang text message na ang inyong mga gamot ay maaari nang kunin. Ang RHU ay bukas mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon lamang.
Sa dulo ng iyong online consultation, makakatanggap ka ng text sa iyong registered number para sa petsa at instructions ng iyong laboratory test. Maaaring sundin na lamang ang instructions na iyong matanggap.
Opo. Maaari niyong ma-access ang seeyoudoc application nang kahit na anong oras upang makapag-book ng appointment. Subalit, ang pag-apruba ng inyong appointment ay bukas lamang mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Hindi po. Ang online na konsultasyon ay striktong by appointment basis lamang mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.
Opo. Lubos naming inire-rekomenda ang online consultations para sa inyong mga follow-up check-up.
Hindi po. Lahat ng diagnostic results ay kusang ipapasa sa Out-Patient Department. Lahat ng laboratory at diagnostic results ay i-uupload sa iyong seeyoudoc account para sa iyong kaalaman. Kayo ay makakatanggap ng text message mula sa coordinator ng Telemedicine na magsasabi kung kailan ang inyong diagnostic results ay maaari nang makita sa inyong seeyoudoc app. Kayo rin po ay aatasan na muling mag-book ng panibagong appointment sa seeyoudoc para sa reading ng inyong lab results at pagpapatuloy ng inyong check-up.